Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Bagama’t sinalubong ng ulan at problema ang unang araw ng
pasukan sa mga pampublikong eskwelahan sa Boracay, kampante namang inihayag ng pamunuan
ng mga paaralang ito na walang naging hadlang sa pagbubukas ng klase kanina.
Ayon kay Manoc-manoc Elementary School Principal Democrito
Barrientos II, normal lang na naging abala ang kanilang pagbubukas kanina,
dahil sa mga huli nang nagsipag-enroll.
Marami din umano kasi sa mga ito ang walang mga birth
certificate, kung kaya’t naantala ang kanilang pagtatala.
Aminado rin si Barrientos na kulang ang kanilang mga upuan
at silid-aralan, dahil sa ratio nilang one- sixty five, na ang ibig sabihin,
isang guro lamang ang haharap sa mahigit animnapung mag-aaral.
Magkaganon paman, sinabi nito na tinatanggap nila ang mga
late enrollees kanina.
Samantala, ayon naman kay Lamberto H. Tirol National High
School Officer In Charge Felix De Los Santos.
Natural lamang din ang pagdagsa ng mga huling nagpatalang
mag-aaral na kanilang naranasan kanina, dahil sa bente singko porsiyentong
itinaas ng mga bagong mag-aaral.
Ang paaralan naman sa baranggay Balabag ay nauna nang
napaulat kaninang umaga, na nakaranas ng masaklap na first day of school, dahil
sa pagbahang sinapit nito bunsod ng malakas at mahabang oras na pag-ulan
kahapon.
No comments:
Post a Comment