Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
May travel advisory mang ibinaba ang Chinese government
laban sa Pilipinas na nagresulta sa pagkakakansela ng ilang flights sa bansa
mula china, tila hindi naman apektado ng travel advisory na ito ang ilang
Chinese nationals na dumadayo pa rin sa Boracay hanggang sa ngayon.
Sapagkat kung inaasahang magiging zero ang tourist arrivals
ng Chinese nationals sa bawat araw papuntang Boracay araw-araw, kabaliktaran
naman ang nangyari ngayon.
Dahil tumaas pa nga ang bilang ng mga Tsino na pumunta sa
Boracay ngayong buwan ng Mayo ng taong 2012 kung ikukumpara noong buwan ng Mayo
noong nakaraang taon.
Batay sa naitala ng Municipal Tourism Office ng Malay noong
nagdaang taon ng 2011, nakapaglista sila ng mahigit tatlong libo at dalawang
daang Chinese national, pero ngayong 2012 kahit nagbaba pa ng travel ban at
nagkansela ng ibang tourist travel package sa bansa, nakapag-tala pa rin ng
mahigit na apat na libo at apatnadaan na mas mataas kung ikukumpara noong
nagdaang taon.
Ngunit ayon kay Edralin Piluton, ng Municipal Tourism
Office, ang pinagkaiba lamang ngayon maliban sa tumaas ang bilang ay paisa-isa
ang pagsidatingan ng mga Tsino, hindi katulad ng dati na grupo-grupo.
No comments:
Post a Comment