Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Katulad sa panalangin ng mga claimants o lot owners sa
Boracay na huwag munang aprubahan ang cadastral survey sa lahat ng lupain sa
isla nitong nagdaang taon ng 2011, naka-pending pa ngayon sa DENR Region 6
office ang resulta ng nasabing pagsisiyasat.
Ayon kay PENRO Officer Ivene Reyes ng DENR Regional Office
6, hindi pa naaprubahan ang kadastrong ito dahil may nakita pang problema tulad
ng maraming claimants at lalo pang nagpapabagal sa pag-aapruba ay ang protesta
ng mga lot owners o stake holders sa Boracay.
Kaya sa kasalukuyan, ayon sa PENRO, hindi pa nila malaman
kung kailan ito aaprubahan.
Gayon pa man, naniniwala ito na hindi na magatagal at
maaayos na din ang mga suliranin, at upang mapadali ito, kailangan anya ng
kooperasyon ng bawat isa sa ganitong sitwasyon.
Kung matatandaan, taong 2011 hanggang unang bahagi ng 2012 ay
nagkaroon ng cadastral survey sa isla ngunit kinuwestiyon at marami ang umapela
upang hilingin na planstahin muna ang resulta ng kadastro lalo na ang mga lot
numbers at pagpapangalan sa mga lote kaya naka-pending pa ito ngayon.
No comments:
Post a Comment