Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hindi lang pala Department of Public Works and Highways
(DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang may isyung
namamagitan kung ang lawa na makikita sa isang malaking pamilihan ang
pag-uusapan sapagkat maging ang Brgy. Balabag ay sinita na rin ng DENR ayon kay
PENRO Officer-Aklan Ivene Reyes.
Katunayan, pinadalhan na din nila umano ng sulat ang
pamunuan o opisyal ng barangay na ito dahil sa pagbibigay umano o pagpayag na
matambakan ang gilid na bahagi ng lawa gayong bawal ito sapagkat bahagi ito ng
wetlands na kailangang protektahan at ipreserba ng denr sa isla.
Anya, ang sulat ay naglalaman ng kautusan sa pagpapahinto sa
anumang istraktura sa lawa na ito lalo pa ang ginagawang pagtatambak o
reklamasyon sa lugar na natukoy.
Kung saan ang barangay di umano ang nagbigay at nag-apruba
ng permit para sa giawang istrakrura o pagtatabak na ginawa sa lawa.
Nguit hanggang sa ngayon ay wala pa umano silang impormasyon
kung anong reaksyon ng barangay.
No comments:
Post a Comment