Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Isasailalim na sa isang araw na seminar ang lahat ng miyembro
ng Municipal Auxiliary Police (MAP) sa Boracay at Mainland Malay ng Land
Transportation Office (LTO) - Aklan sa darating na Lunes, Hunyo 11, ayon kay
Cezar Oczon, Municipal Transportation Officer ng Malay.
Aniya, matapos ang seminar na ito, aasahanag isusunod na rin
ang pagsasanay upang ma-deputize na rin ng LTO ang MAP at maging ang pulis sa
Boracay upang hindi puro citation ticket ng ordinansa lamang ang kanilang
ipinapatupad at binabantayan sa kalye.
Katunayan, may slot na umanong inihanda ang LTO para sa mga
ito.
Pero nilinaw ni Oczon na hindi naman lahat ng MAP at pulis
sa Boracay at Mainland ay idi-deputize ng LTO kundi pipiliin lamang ang mga
kwalipikado.
Siyam na slot para sa MAP at siyam din sa pulis sa Boracay
at tag-anim din sa Pulis at MAP sa mainland Malay.
hay naku ang tanong sapat ba yang isang araw na seminar nila? ung iba nga d namn alam kung ano ung mga violation.. ska pinipililang ung mga hinuhuli... Pag kilala ung huhulihin wla lang... hays LTO KALIBO napaka toxic nyo...
ReplyDelete