Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hiniling ngayon ng Vice Mayor Ceceron Cawaling sa bagong hepe
ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na si P/Insp. Al Loraine Bigay na pag-tuunan
din ng pansin at maglatag din pulisya sa mga kritikal at hindi mataong lugar isla.
Ito ay dahil kadalasang nangyayari ang karumaldumal na krimen
sa Boracay sa mga liblib na lugar lalo na sa likod na bahagi ng isla, tulad na
lang ng Sitio Lapus-lapus, area ng Yapak at ilan pang bahagi ng isla, at para
hindi na maulit pa ang nagyari kung saan may ilang pagpatay o krimen na
nangyari sa mga lugar na ito.
Paliwanag ni Cawaling, batay umano sa nakikita nito, naka-pokus
ang otoridad sa harap na bahagi ng isla lalo na sa front beach, malalaking pamilihan
at main road, samantala ang sa liblib na lugar na may malaking tiyansa na anumang
oras ay pwedeng mangyari ang krimen at walang pulisya na nakabantay doon.
Hindi rin pinalampas ng Bise Alkalde ang kakulangan ng
streetlight sa mga lugar na katulad nito.
Ang mga kahilingang ito ni Cawaling ay isinatinig nito sa
pormal na pagpapakilala o courtesy call ng baong hepe ng BTAC na si Bigay sa sesyon
ng konseho kahapon.
No comments:
Post a Comment