Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Ngayong may bagong curriculum na K+12 program para sa mga
mag-aaral, wala na umanong lugar pa ang tinatawag na “high school graduate lang
ang tinapos ko” kapag paghahanap ng trabaho ang pag-uusapan.
Sapagkat ngayong may 5th year na, inaasahang
kasama na ayon kay Director Jessie Gomez, Division Supt. ng Dep-Ed Aklan, na ituturo
sa mga mga-aaral sa senior high school ang basic na mga kaalaman na itinuturo
sa Kolehiyo.
Gayong sa dagdag na taong ito ng pagbabago ng Curriculum ay
magkakaroon umano ng specialization katulad ng mga pagpipilian ng mga mag-aaral
na entrepreneurship o pagnenegosyo at maging teknikal man.
Ito ay upang pagka-graduate ay pwede nang maisalang agad sa
trabaho. Binigyang diin pa ni Gomez na mismong ang CHED at TESDA umano ang
kasama sa pagdesinyo ng bagong programang ito.
Kaya ayon kay Gomez walang adapat ikabahala ang magulang
kung madagdagan man ang taon ng pag-aaralan ng mga estudyante.
No comments:
Post a Comment