Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Pinawi ni Dr. Jesse Gomez, Aklan Division Superintendent ng
Department of Education (DepEd), ang pagkakabahala ng mga magulang ng mag-aaral
kasabay ng pagpapatupad ng bagong Curriculum na K-12 program sa pagbubukas ng
klase sa Hunyo 4.
Naniniwala at batid umano ni Gomez na nababahala ang mga
magulang sa programang ito dahil madadagdagan ang taon na igugugol ng mga
estudyante sa paaralan at nanganaghulugan din ito nang gastos sa bahagi ng mga
magulang.
Subalit ayon sa opisyal, para mapawi ang pag-alala ng mga ito,
ipinapaintindi ni Gomez sa mga magulang na sa kasalukuyan unamo ay isinusulong
na nang mga mambabatas upang ganap na maging batas at gawin na lamang na
tatlong taon ang kolehiyo.
Ito ay dahil sa siniksik na umano sa Senior High School pa lang
ang mga aralin, kaya pagdating sa kolehiyo ay pawang mga pang-professional
education o Major Subject na aniya ang ituturo doon at wala na halos ang General
Education o minor subjects.
Mula doon, kapag na-aprubahan na, mas makakatipid pa nga umano sa gastos ng isang taon sa koliheyo ang mga magulang.
No comments:
Post a Comment