Panibagong 100 slots ang handang punuin ngayon ng lokal na
pamahalaan ng Malay para sa mga iskolar ng LGU para sa papasok na school year.
Tulad noong nakaraang taon, 100 slots din ang inilaan ng LGU
para ngayong taon para sa mga estudyanteng Malaynon na nais mag-aral sa mga
Vocational Schools ayon kay Dennis Briones ng Municipal Public Employment
Service Office (PESO) Malay.
Ayon kay Briones, ang lokal na pamahalaan ay may pondong P550,000.00
na pangtustos ng 100 estudyante.
Pero maaari pa umanong madagdagan ang nakalaang 100 slots,
depende kung may sobrang pera ang LGU.
Samantala, maliban dito, sa kasalukuyan ay may 63 estudyanteng
Malaynon ang LGU na may gulang na 16-25 taon na kasalukuyang nagsa-summer job simula
pa noong Abril 23 hanggang Mayo 24.
Nabatid na ang mga estudyanteng ito ay nagsisilbi ngayon sa
iba’t ibang departamento ng LGU, depende sa kanilang mga kurso, at tumatangap
ng P250.00 bawat araw.
No comments:
Post a Comment