Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nasa estado pa rin ng pagsasatama o correction ang
Comprehensive Land Used Plan CLUP ng Boracay na nasa Provincial Planning Office
parin hanggang sa ngayon.
Sa panayam kay Engr. Roger Esto, Provincial Planning Officer
nitong umaga, aminado ito na nitong
nagdaang unang bahagi ng buwan ng Abril ay ipinatawag ang Municipal Planning
Officer ng Malay upang masagot nito ang ilang mga tanong para malinawan na ang
mga bagay na nakalatag sa CLUP ng Boracay.
Inihayag din ni Esto na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin
ito tapos sapagkat may kumento pa hinggil sa mapa ng Boracay ang ibang pang kasama
sa composite team na siyang susuri sa CLUP katuld ng sa DENR.
Dagdag pa nito, isinumite pa kasi ang CLUP sa Housing
Regulatory Board kaya natagalan din.
Ganoon pa, man sa darating na katapusan ng linggo ng buwang
ito ng Mayo ay muli umanong uupuan nila bagay na ito.
Kaya kung maaayos umano ang lahat ng dapat itama ay maaaring
hindi na magtatagal at maaaprubahan na rin ito.
Ang CLUP ng Boracay ay ilang taon nang naka-pending sa
probinsiya, kung saan ito sana ang magsisilbing gabay para isla, kung saan
bahagi ng Boracay ang hindi pwede at
pwede pang paglagyan ng development.
No comments:
Post a Comment