YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 10, 2012

BIWC at Boracay Tubi, hindi maiiwasan maikumpara


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Binanggit ni Sangguniang Bayan Member Esel Flores sa session ng konseho na iwasan ang pagbanggit sa pangalang ng Boracay Island Water Company (BIWC) sa pagdinig sa kahilingan ng Boracay Tubi na pag-endorso para sa proyekto nila, gayong magkaiba naman ang kanilang policy, lalo pa at kakumpensiya ang dalawang ito.

Pero tila hindi pa rin napanindigan ng Sanggunian ang bagay na iyon nang tangungin ng ilang miyembro, kung handa rin ba ang Boracay Tubi na gawin ang ginawa ng BIWC.

Ang tinutukoy dito ay ang piso (P1) na ibinibigay ng BIWC sa lokal na pamahalaan ng Malay sa bawat per cubic meter na kimukuha nilang tubig sa likas na yamang sakop ng Malay.

Ganoon pa man, nilinaw ni Flores na ang pera ay hindi ibibigay sa LGU kundi direkta ang  bawat pisong ibinibigay ng BIWC na mapupunta sa pinagmumulan ng ilog, katulad sa programa para sa mga tao doon sa pinagkukunan nila ng tubig o kaya proyekto para sa bayan para mapakinabangan ng publiko.

Bilang tugon, nangako naman Jojo Tagpis, Operation Manager ng Boracay Tubi, na ipapaabot nila ito sa kanilang pamunuan at kung kinakailangang gagawin nila ito ay walang problema.

No comments:

Post a Comment