YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 08, 2012

Lugutan Area, hindi na mabaho!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ngayon ay buong-tiwala nang ihinayag ni Abram Sualog, Punong Barangay ng Manoc-manoc, na hindi na mabaho ang lugar na ito sa kasalukuyan, sapagkat itinigil na ang pagpapalabas ng maduming tubig sa area na ito, bilang pansamantalang solusyon at aksiyon sa mga reklamo ng ilang residente at establishimiyento doon.

Ito ay makaraang magtutulong tulong ang ilang pribadong indibidwa at LGU para isara ang nasabing drainage.

Kamakailan lang ay problema ang Lugutan Area at laman ng mga usapan sa Boracay dahil sa hindi kanais-nais na amoy sa lugar na ito dala ng maduming tubig na dumadaloy mula sa Drainage System na idinidispatsa sa lugar na ito particular sa likod na bahagi ng islang ito.

Samantala, dahil sa pansamantalang solusyon lamang ito, nagharap-harap na ang Barangay Officials ng Manoc-manoc, Boracay Island Water Company (BIWC) at lokal na pamahalaan ng Malay para pag-usapan kung ano ang posibleng gagawin para lubusan nang masolusyunan ang suliranin dito.

Ayon kay Sualog, sa nasabing paghaharap na naganap nitong nagdaang Biyernes, nangako ang BIWC na tutulong sila sa pagbibigay solusyon at gagawin nila ito sa lalong madaling panahon.

No comments:

Post a Comment