YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 08, 2012

Korean National sa Boracay, nalunod, patay

Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Patay ang isang trenta’y kuwatro anyos na Korean National matapos malunod sa boat station 1 Balabag kahapon.

Sa report ng Boracay PNP, alas dose kuwarenta’y singko ng tanghali nang maligo sa beach front ng boat station 1 ang biktimang si Jungki Cho at isa pang kasama nito nang mangyari ang insidente.

May kalayuan na umano sa dalampasigan ang biktima nang mapansin ng kanyang kasamang ito’y nalulunod na at nagpapasaklolo.

Kaagad namang sumaklolo ang ilang nakapansin sa insidente kung kaya’t nakuha ang biktima sa ilalim ng tubig.

Samantala, sinubukan ng mga rumespondeng duktor na agawin sa bingit ng kamatayan ang biktima subali’t nabigo ang mga ito.

Kasalukuyan namang nakahimlay sa isang punerarya ang labi ng biktima, matapos ipagbigay alam ng mga otoridad ang pangyayari sa embahada nito.  

No comments:

Post a Comment