Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kinumpirma ni Boracay Foundation Incorporated (BFI)
President Dionesio Jony Salme na may mga resort na sa Boracay ang nabatid
nitong mayroon mga Chinese national na nagkansela ng kanilang ng bookings para
magbakasyon sana sa isla.
Katunay, sa kanilang resort umano ay may mga guests na noong
nagdaan linggo pa nagkansela, at ang rason aniya ng mga ito ay dahil sa
siguridad ng mga turista ito dahil sa patuloy na pakikipag-girian ng Pilipinas
at China sa Panatag o Scarborough Shoal.
Maliban dito, sa impormasyon na nakuha mula sa isang
malaking resort sa Front Beach ng Station 2 (Boracay Regency), kahapon di umano
ay nagkasela na rin sa online bookings ang ilang Chinese nationals na magbabakasyon
pa sana sa Boracay sa susunod na mga araw.
Nabatid kay Bb. Athena Dorin ng nasabing resort na batay di
umano sa mga Travel Agencies na nakaka-usap nila, gusto pa rin sanang ituloy ng
mga Chinese ang kanilang pagpunta sa isla.
Ngunit dahil sa ayaw, silang payagan o paalisin ng Chinese
Government kung kaya’t nagkansela na lang ni kani-kanilang bookings.
Gayon pa man, nabatid mula dito na hindi naman lahat ng
nakapagpa-book na ay nagkasela.
Samantala, sa obserbasyon di umano nila sa mga Chinese na
naririto sa Boracay, wala naman aniya silang nakitang pag-aalala sa mga ito, at
sa halip at tila normal naman ang kanilang sitwasyon sa pamamalagi isla.
Pero sa impormasyon, sa kasalukuyan ay wala pa namang
naitala o napapabalitang may guest na naririto ngayon na nag-alsa balutan dahil sa takot o pangamba
kaugnay sa ika-kasang rally laban sa pamahalaan ng China.
No comments:
Post a Comment