Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Sa kabila ng tensiyong namamagitan sa China at Pilipinas sa
ngayon, nananatiling normal pa rin ang biyahe ng International Flights mula sa
Shanghai, China papuntang Kalibo International Airport (KIA).
Ito ang nilinaw ni Kalibo International Airport KIA Administrator
Percy Malonesio sa panayam dito nitong umaga.
Bagamat may ilang paliparan umano sa bansa ang nakatangap ng
abiso na kinansela na ang mga flights ng mga sasakyang panghimpapawid na
nagmula sa Shanghai, China, siya bilang administrador ng KIA, ay wala pa
umanong natatanggap na komunikasyon ng pagkasela ng mga direct flights mula
China, gayong ang nangyayari umano kapag mayroong ginagawang pagbabago sa petsa
o oras man ng paglapag sa paliparan dito, lalo na ang mga international flights
ay ipinapa-alam aniya sa kaniya.
Pero sa pagkakataong ito ay wala pa silang black and white o
dokumentong pinanghahawakan na nagsasabing apektado ang flights ng mga ito lalo
na ng mga turistang papunta ng Boracay.
Maging ang direct flights mula sa Taipei, Taiwan ay hindi
rin umano ikinansela.
Ang direct flights
mula Taiwan at China sa KIA ay halos araw-araw ayon kay Malonesio, at sa ngayon
ay tuloy pa rin ang paglapag, hanggat wala umano siyang abiso na natatanggap
mula sa airline company.
No comments:
Post a Comment