YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, May 08, 2012

Mga sagabal sa daan sa Manoc-manoc, tinanggal na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Bago pa man lumihis ang ihip ng hangin sa Boracay mula sa Amihan papuntang Habagat, nasimulan na ngayon sa Barangay Manoc-manoc ang pagsasa-ayos sa dadaanan ng mga pasahero mula sa Tambisan Port papunta sa sentro ng isla.

Sa panayam nitong hapon kay Manoc-manoc Punong Barangay Abram Sualog, inihayag nito na sa kasalukuyan ay nilinis na nila ang daan, partikular na ang mga maaring sagabal sa daan sa main road, lalo na ang mga pwestong nakalatag at halos na usli na sa main road.

Ayon kay Saulog, inabisuhan na nito ang mga may-ari ng mga pwestong ito na tanggalin ang mga istrakturang ito, dapat ay at magkaroon ng set back na may layong 1.5 meter mula sa main road.

Maging ang mga lubak-lubak na daan papasok sa Tambisaan Port ay pansamantalang pinapatambakan na aniya nila para maging maayos naman ang biyahe ng mga pasaherong dumadaan dito lalo pa at pagpasok ng buwan ng Hunyo ay mararamdaman na ang Habagat Season at ang Tambisaan na ang magsisilbing entry at exit area ng Boracay. 

1 comment: