YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, March 25, 2017

Drainage, sanhi ng maitim na tubig baha sa mga kalsada - Sualog

Posted March 25, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image may contain: 1 person, sitting, table and indoorSa 10th Regular Session nitong Martes ay pinuna ni Vice Mayor Abram Sualog ang problema sa drainage sa isla ng Boracay.

Inilarawan ni Sualog ang nakikitang maitim na tubig na lumalabas sa drainage system  na posibleng epekto ng illegal connection.

Ang drainage raw na ito ay naglalabas ng maruming tubig na nagiging sanhi ng pagbaha sa mga kalsada maging sa Bolabog area.

Dahil dito, nais ngayon ng Bise-Alkalde  na maagapan na dapat ito ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) kung hindi man ay ibigay na lamang ito sa Boracay Island Water Company (BIWC) para sa mabilisang aksyon.

Kung maalala, inilatag na ng TIEZA ang unang bahagi ng proyekto ng drainage system sa Bolabog  na bahagi ng Phase 2  para hindi na bahain ang nasabing lugar kabilang ang Boracay National High School.

Sa paliwanag ng TIEZA, nasa bidding process na ito at inaantay na lamang umano kung sino ang contractor na tatrabaho sa proyekto na inaasahang maumpisahan bago ang panahon ng tag-ulan.

No comments:

Post a Comment