Posted March 23, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Inaayos na ngayon ang Materials Recovery Facilities o (MRF)
ng Balabag at Yapak para makatulong sa pag-manage ng basura ng Boracay.
Sa panayam kay Committee Chairman on Environmental
Protection SB Nenette Aguirre-Graf, ang pag-activate ng MRF sa Balabag at Yapak
ay makakatulong umano para maibsan ang volume ng basura na tinatambak ngayon s
Centralized MRF ng Manoc-manoc.
Sa ganitong paraan, tuloy-tuloy umano ang paghakot ng mga
nakatambak doon na basura lalo na ng mga residual waste papuntang sanitary
landfill ng Malay.
Nabatid kasi noon na hindi raw nahahakot ng Balabag at
Yapak ang kanilang basura papuntang MRF dahil kulang sila sa truck at
trabahador.
Wika naman ni Otic Macavinta Executive Assistant for Solid Waste Management, para makapag-function na ng
mabuti ang Balabag at Yapak MRF, hiniling nito na magsumite na ng mga dapat
nilang kailangan para sa operasyon upang mahanapan na nila ito ng paraan at maaayos
na.
Ito ang kanilang nakikitang hakbang para mapadali at
masolusyonan ang suliranin na hinaharap ngayon Centralized MRF sa Manoc-manoc.
Samantala, nagpapasalamat naman si Graf na meron na
umanong nag-presenta ng mga barge para mapadali ang pag-haul ng basura patawid
ng mainland.
Muli nitong paalala sa mga residente sa Boracay na gawin na
lamang umano ng bawat isa ang obligasyon hindi lang sa salita kundi sa gawa.
No comments:
Post a Comment