YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 21, 2017

Wage Increase, dapat ng ipatupad – DOLE-Aklan

Posted March 21, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for Regional Tripartite Wages and Productivity Board of RTWPB VIKumpirmado na ang umento o salary increase sa Western Visayas para sa mga minimum wage earners epektibo simula Marso dise-sais, taong kasalukuyan.

Ayon kay DOLE Aklan Field Office OIC Arlyn Siaotong sa panayam ng programang Boracay Good News ng himpilang ito, ang P 25.00 na dagdag sahod ay inilabas na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB VI.

Aniya, naipaabot na nila ang Wage Order No. RBVI-23 sa mga stakeholders na kailangan ng ipatupad kaagad sa mga minimum wage earners depende kung sa anong industriya ito napabilang.

Sa aprobado na bagong minimum wage rate sa Western Visayas, may pagtaas ng P25.00 ang minimum wage earners na lagpas sa sampung empleyado na nasa non-agriculture, industrial at commercial establishments.

Tatanggap din ng bagong rate ang mga agricultural at non- agricultural na mga trabahante.

Puspusan umano ang gagawin nilang adbokasiya para malaman ng mga employers ang kanilang tungkulin at sa oras na hindi masunod ang bagong salary rate ay maaari silang konsultahin ng mga employees para sa kanilang karapatan.

Kaugnay nito, hindi lamang umano ang mga regular na nagtatrabaho ang makakatanggap ng ng bagong umento kundi maging ang mga bagong pasok din.

Sa isinagawang konsultasyon at public hearing sa Boracay ng DOLE sa nakalipas na taon ay humiling ang mga Boracay workers na ipantay ang minimum salary rate sa NCR dahil sa mataas na cost of living.

Bagamat nagkaroon na ng magandang resulta sa pagtaas ng sahod, paglilinaw ni Siaotong, naipaabot na umano nito ang nais mangyari ng mga trabahante sa isla sa National Wages and Productivity Commission.

No comments:

Post a Comment