Posted March 22, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pina-alalahanan
ni Executive Assistant for Solid Waste Management Otic Macavinta ang mga
organizer ng events at mga aktibidad sa nalalapit na LaBoracay.
Sinabi nito, na
dapat ng measurement o set-up plan ang mga organizer bago maglatag ng
kanilang party events para sa mas organisadong pagsasagawa nito.
Iminungkahi rin
ni Macavinta na dapat maging malinis ang kanilang pagliligpit ng basura ng mga
dadalo kung saan dapat magkaroon ang mga organizers ng information
dissemination.
Alinsunod sa mga
nagdaang event ng LaBoracay, kailangan lang sumunod ng mga event organizer sa
mga rules and regulation maging sa ordinansa para hindi sila mabigyan ng anumang
penalidad.
Anya, maging
responsable at magbigay respeto ang mga nagbabalak na magsagawa ng event sa
isla dahil na rin sa dami ng kinakaharap na problema ng Boracay lalo na sa isyu
sa kalikasan.
No comments:
Post a Comment