YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 27, 2017

Municipal Agricultures Office, tututukan ang mga asong-gala sa Boracay

Posted March 27, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for asong gala sa boracay
Muling tututok ang Municipal Agricultures Office sa mga naglipana na mga asong-gala sa beachline ng isla.

Sa panayam ng himpilang ito kay MAO Municipal Veterinarian II Dr. Deyven Oriondo, mayroong na raw silang apat na mga dog catcher na nag-iikot sa buong isla lalo na sa kahabaan ng long beach para i-monitor ang mga napabayaang aso lalo at summer season na.

Nabatid na noong nakaraang taon ay nakahuli sila ng 116 na stray dogs simula buwan ng Agosto hanggang Disyembre habang 46 na mga aso naman simula ng pagpasok ng taon hanggang ngayon kasalukuyan.

Aniya, ang pangunahing hakbang pa rin para maiwasan ang mga asong gala ay ang pagiging responsibleng pet owner.

Dagdag pa nito, maaari naman umano na i-surrender ang mga alaga nila kung hindi na ito kayang alagaan.

Kaugnay nito libre naman ang ibinibigay na bakuna ng Municipal Agricultures Office kalakip ang iba pang mga free services na inumpisahan nila noong Enero 23 ng taong ito kung saan ay nag-house to house visit para sa pagbibigay ng bakuna.

Pinaabot naman nito sa publiko na kung sila ay mag-aalaga ng aso ay maaari nilang i-rehistro ang mga ito sa barangay kung saan sila naninirahan at dumulog sa kanilang opisina ng MAO para sa konsultasyon at schedule ng pagbibigay ng vaccination at ang iba pa nilang serbisyo.

Samantala, base naman sa ordinansa ng Lokal na Pamahalaan ng Malay Municipal Ordinance no. 302 at 182 umalinsunod sa RA 9482 o mas kilala sa Anti-Rabies Act, nagsasabi na ang sinumang lumabag sa nasabing batas ay mananagot at bibigyan ng kaukulang penalidad.

No comments:

Post a Comment