Tuesday, March 21, 2017

Binatilyo, nagbigti-patay sa Altavas, Aklan

Posted March 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nagbigti-patayNasawi ang isang 20-anyos na binatilyo matapos itong magbigti-patay sa Ginictan, Altavas, Aklan.

Ayon kay PO2 Julius Bendoy ng Altavas PNP, nagbigti umano ang biktima sa isang kubo na may 50 metro ang layo sa kanilang bahay.

Nakita rin nila dito na bago nagbigti ang biktima ay naglaslas pa ito sa kanyang kanang kamay.

Sa report umano ng pamilya sa mga pulis, Oktubre ng nakaraang taon ay tila umiiba na ang takbo ng isip ng biktima at palaging kinakabahan kung saan nakapagsabi umano ito sa kanila na may nakikita itong mga kababalaghan.

Samantala, dinala pa sa Altavas Hospital ang biktima subalit ideneklara itong DOA o Dead on Arrival ng doctor na sumuri dito.

No comments:

Post a Comment