Thursday, March 23, 2017

Negosyo Center sa Libacao, binuksan na

Posted March 23, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for negosyo center
Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI)-Aklan ang pagbubukas ng Negosyo Center sa bayan ng Libacao ngayong araw.

Inilatag ng DTI-Aklan kung ano ang Negosyo Center at benipesyo nito sa mga mamamayan.

Sa programang ito ng DTI, nakapaloob sa mga start-up business ang pagturo nila kung paano magrehistro ng business name kabilang ang sistemang gagawin.

Ang Negosyo Center ay aagapay din sa nagbabalak magbukas ng bagong negosyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng Business Information.

Dito, pwede ng  i-proseso ang aplikasyon sa Business Name Registration para sa mga MSME o Micro, Small and Medium Enterprises.

Ang Negosyo Center ay proyekto ng DTI sa ibat-ibang lugar sa bansa para makatulong sa mga nais magtayo ng negosyo at sa mga negosyante.

Ito na ang pang-pitong Negosyo Center na binuksan sa probinsya kung saan nakatakda namang buksan ang dalawa pang Negosyo Center sa Malinao sa April 20, at Malay sa May 18.

No comments:

Post a Comment