Wednesday, March 22, 2017

MS Seaborne Sojourn dumaong sa ikalimang pagkakataon

Posted March 22, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for ms seabourn sojourn
Muling nasilayan ang returning vessel na MS Seaborne Sojourn na isang European cruise ship sa pagdaong nito sa karagatan ng Boracay ngayong araw.

Sa panayam ng himpilang ito kay Jetty Port Special Operation III Jean Pontero, dumating ang barko kaninang alas- syete ng umaga lulan ang 446 na mga pasahero at 348 na mga crew.

Bago tumungo ng Boracay, dumaan muna ito ng Coron, Palawan at maglalayag patungong Manila kung saan ay magtatagal lamang ng hanggang alas- kwatro ng hapon ang mga pasahero para mabigyan ng oras na ikutin ang Boracay.

Samantala, ito na ang ikalimang pagkakataon na dumaong ang nasabing cruise ship sa isla na unang bumisita noong taong 2015.

No comments:

Post a Comment