Wednesday, March 22, 2017

TESDA benificiaries dadagdag pa ngayong taon

Posted March 22, 2017
Ni Danita Jean A.Pelayo, YES FM Boracay

Image result for TESDA
Target ngayon ng TESDA o Technical Education and Skills Development Authority na madagdagan ang benipesyaryo sa Probinsya ng Aklan sa pamamagitan ng kanilang mga programa.


Sa press conference na ginanap sa isla ng Boracay, dinaluhan ng isandaang mga kapitan galing sa labinpitong mga munisipalidad sa Aklan kasama ang mga Technical Vocation Education and Training (TVET) Schools.

Ang pagtitipon ay para sa Barangay Kasanayan para sa Kabuhayan at Kapayapaan o BKKK Program na maglalagak ng skills training programs sa mga kabaranggayan lalo na sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay Sec. Guiling “Gene” Mamondong, sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay ay mas madaling matukoy kung sino ang nararapat na benipesyaryo sa programa ng TVET.

Sa nakalipas umano na tatlong taon, ang Probinsya ng Aklan ay may 3,000 na mga benificiaries kung saan isang libo rito ang nakakatanggap bawat taon.

Dagdag pa ni Mamondong, ngayong taon ay asahan umanong gagawin nilang 3,000 ang makaka-benipisyo para maibsan na ang kahirapan at mas dumami pa ang bilang ng mga magkakaroon ng trabaho.

Samantala, nagpaabot naman si Liga Vice President Lowell Fernandez ng pagkagalak sa ibinigay na pagkakataon sa kanila na makatulong sa kanilang mga nasasakupan.

Ang TESDA ay isang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Department Of Labor and Employment (DOLE) at ng Office of the Cabinet Secretary na responsible sa pamamalakad at pangangasiwa ng technical education and skills development sa bansa.


No comments:

Post a Comment