Wednesday, March 22, 2017

APPO, handa na para sa Semana Santa

Posted March 22, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for semana santa 2017
Handa na ang mga hanay ng kapulisan para sa nalalapit na “Semana Santa”.


Sa panayam ng himpilang ito kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, nabanggit nito na mananatili ang kanilang annual preparation para sa pagdagsa ng mga tao sa papalapit na Semana Santa.

Aniya, nakalatag na ang kanilang preparasyon para masiguro ang seguridad sa Kalibo International Airport (KIA), Caticlan Airport, Jetty Port kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga turista at bakasyunista.

Ani Gregas, mag-aantabay ang mga pulis sa mga matataong lugar upang maiwasan ang anumang insidenteng maaaring mangyari kung saan kasama sa kanilang paghahanda ang paglalagay ng Assistance Desk na pupuntahan ng publiko sakaling mangailangan ng tulong.

Samantala, pinaaalahanan naman ni Gregas ang lahat ng magbibiyahe na iwasan ang pagsusuot ng mga mamahaling alahas, pag- secure ng gamit at pera lalong lalo na ang kanilang mga kasamang bata at maging vigilant sa kanilang makakasabay sa pagbiyahe.

No comments:

Post a Comment