Posted March 21, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
“Gagamit ng organic mineral spray”.
Ito ang isa sa mga inilatag na hakbang ni Executive
Assistant for Solid Waste Management Otic Macavinta para maayos ang hindi
kanais-nais na amoy ng basura sa MRF.
Ito ang tugon ni Macavinta pagkatapos itong tanungin kung
ano ang gagawing aksyon ng LGU-Malay sa problemang dulot ng tambak na basura sa
Manoc-manoc.
Ani Macavinta, gagamit sila ng ganitong teknolohiya
habang hinahakot ang residual waste at para maibsan ang mabahong amoy dulot ng
mga nabubulok na kitchen at market waste.
Sa inspeksyon ng PENRO, maliban sa nagmukhang open
dumping site ang lugar ay lumalabas din na walang sistema ang MRF sa
Manoc-manoc dahilan ng problemang hinaharap nito ngayon.
Batid daw ni Macavinta na hindi na mapipigilan ang lalong
lumalaking volume ng basura sa Boracay kaya ngayong linggo ay magpupulong umano
sila ng lahat ng mga Punong Barangay sa isla upang pag-usapan ang kanilang
gagawing hakbang para dito.
Ayon sa kanya, ang mga residual waste na nakatambak
ngayon sa MRF Manoc-manoc ay uubusing i-haul papuntang mainland sa sanitary
landfill sa Kabulihan alinsunod sa pangakong 30-araw ni Mayor Ceciron na
magtatapos sa April 10,2017.
Nabatid na sa dating 37 trucks na nahahakot at dinadala
sa MRF ay umaabot na umano ito ngayon sa mahigit limampung truck araw-araw.
No comments:
Post a Comment