Friday, March 24, 2017

SP Aklan humiling sa DepEd na pondohan ang Division Office ng Aklan

Posted March 24, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for FUND
Isang resulosyon ngayon ang ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan na hingin kay Education Secretary Leonor Briones na pondohan ang pag-papaayos ng Division Office ng DepEd Aklan.

Sa session nitong Lunes, binanggit ni Emmanuel Soviet Russia Dela Cruz Committee Chairman on Education dapat ng matapos ang ginagawang konstruksyon ng bagong Division Office sa Numancia ng sa gayon ay magamit na ito ng mga estudyante.

Dagdag pa nito, na parami na ng parami ang mga estudyante kaya dapat ang gusaling ito ay mapapakinabangan na sa madaling panahon.

Kaugnay nito, nakapaloob sa naturang resulosyon na una nang naglaan ng pondo ang probinsya na nagkakahala ng P 11 milyon kung saan nagbigay rin ng mahigit P 2,700,000 na halaga si dating Vice-Governor Calizo Quimpo para dito subalit hindi parin ito sapat.

Samantala, hinihintay nalang nila ngayon ang tugon ni Secretary Briones sa naturang kahilingan.

No comments:

Post a Comment