Posted December 16, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Sinimulan nila
ang paglalagay ng mga signages sa front beach upang mag-paalala sa mga dumadayo
doon kabilang ang mga turista kung ano ang mga patakarang ipinapatupad ng LGU-Malay
sa number one tourist destination sa bansa na isla ng Boracay.
Nabatid na nakapaloob
sa naturang signage board ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag nasa
dalampasigan o beachline.

Kasabay nito,
magpapakalat din ng mga miyembro ng Malay Auxilliary Police (MAP) sa lugar
upang mabantayan at hulihin ang sinuman na lumalabag sa ipinapatupad na mga
ordinansa.
No comments:
Post a Comment