YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 14, 2016

Drug free na barangay sa buong aklan, umabot na sa animnapu’t dalawa

Posted December 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for drug freeDahil sa mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga ng Duterte Administration, 138 na umano ngayon na mga drug user at pusher ang naaresto ng mga kapulisan simula Hulyo 1 hanggang Disyembre 4, 2016.

Ayon kay Provincial Intelligence Branch head Chief Inspector Bernard Ufano, sa 112 umanong naaresto nila at sumuko, 87 dito ang kabilang sa watchlist, kung saan siyam na lang umano ang hindi nahuli dahil posibleng umalis na ito sa probinsya ng Aklan.

Kaugnay nito, nabatid na sa 214 na Barangay na apektado ng naturang kampanya, 62 na sa mga ito ang malinis na sa iligal na droga.

Samantala, target naman ng kanilang opisina na maging 100% drug free ang probinsiya ng Aklan bago matapos ang taong 2016.

Sa ngayon, ay umabot na umano sa 1, 873 ang drug surrenderees sa Probinsya

No comments:

Post a Comment