Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Pinag-iingat ngayon ng mga taga Boracay PNP ang lahat ng
mga establisyemento, souvenir shops, pharmacies at lahat ng tindahan sa isla ng
Boracay.
Ito ay kaugnay sa umano’y modus ng Budol-budol Gang kung
saan nambiktima na ngayon ng ilang tindahan at restaurant sa isla.
Ang diskarte o mudos umano ng mga ito ay lituhin at
salisihan ang bantay o kahera sa pamamagitan ng biglaang pagpalit ng pera.
Halimbawa, magbabayad ang suspek ng isang libo, sa oras
na matanggap ng kahera ang pera ay agad namang sasabihing hindi na nila ito
bibilhin sabay bawi ng pera at agad-agad nitong papalitan ng isang daan at
sasabihin sa cashier na isandaan lang ang naisauli.
Sa panayam naman ng himpilang ito kay SPO1 Christopher
Mendoza ng Boracay PNP, ipinapaabot nila sa publiko na maging alerto sa mga
nangyayaring ganito, magkaroon ng presence of mind, at huwag magpadala sa mga
matatamis na salita.
Ayon pa kay Mendoza, nagsisilabasan ang ganitong grupo sa
tuwing papalapit na ang pasko kasabay ng kanilang ginagawang modus operandi.
Kung sakali aniyang maka-encounter ng ganitong
pangyayari, agad itong ipaalam sa mga otoridad.
Samantala, mag-iikot na umano ang grupo ng pulisya sa
isla para i-monitor ang nasabing panloloko.
No comments:
Post a Comment