Wednesday, December 14, 2016

Nutrition outstanding workers sa probinsya, gagawaran ng award ng aklan Provincial Nutrition Committee

Posted December 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay 

Image result for award
Nakatakda ngayong bigyan ng award ang mga Nutrition Workers sa Probinsya kasama ang Provincial Health Office (PHO) ngayong Disyembre 20 taong 2016.

Ito ay igagawad ng Aklan Provincial Nutrition Committee, kung saan nakapaloob sa naturang award ang Outstanding Municipal, Outstanding Barangay Nutrition Committees at Outstanding Barangay Nutrition Scholars.

Nabatid na ang nasabing award ay dahil sa  serbisyong kanilang binibigay sa kumunidad.

Nanguna umano sa listahan bilang Outstanding Municipal Nutrition Committe ay ang bayan ng Numancia, pangalawa ang Ibajay, Nabas, Lezo at Buruanga.

Habang nasa Outstanding Barangay Nutrition Committee naman ang Brgy. Rizal, Brgy. Tibiawan, Makato, Brgy. Sta. Cruz, Lezo at Brgy. Sibalew, Banga, Brgy. Poblacion Ibajay, Pang-itan, Madalag at Lanipga, Tangalan.

Top 3 naman na bibigyan ng award bilang Barangay Nutrition Scholars (BNS), ay sina Lorelyn Tambong ng Cabatanga, Makato, Lucila Caliguran ng Rizal, Nabas at Shirby Aguirre ng Sta. Cruz, Lezo.

Kaugnay nito, napag-alaman na ito na ang pangatlong award na matatanggap ng bayan ng Numancia kung saan nakatanggap na rin ito ng Consistent Regional Outstanding Winner on Nutrition (CROWN) award.

Samantala, tatanggap naman ang mga ito ng cash insentive at certificate.

No comments:

Post a Comment