Friday, December 16, 2016

Mga kompaniyang nagsusuplay ng tubig sa Malay, ipapatawag sa susunod na sesyon ng SB

Posted December 16, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Laman ng Privilege Speech ni Liga President Julieta Aron nitong Martes sa 22nd Regular Session ang tungkol sa serbisyo ng Malay Water District o MWD na siyang nagsusuplay ng tubig sa Mainland Malay.

Ito ay kaugnay sa mga reklamo ng mga residente kung saan hanggang sa ngayon ay nananatili pa ring problema.

Dahil dito, iminungkahi ni SB Pagsuguiron na dapat ipatawag ang mga water utilities o providers dito sa Malay.

Dagdag pa ni Bautista na suriin muli ang MOA sa gitna ng LGU at ng dalawang kompanya na Malay Water District (MWD) at Boracay Island Water Company (BIWC) na sinang- ayunan naman ni Aron.

Nabatid na kung ikukumpara umano ang bayad per cubic meter di hamak na mas mababa ang nasa huli kesa sa MWD.

Samantala, itong usapin ay napagkasunduan na tatalakayin sa susunod na sesyon at ipatatawag ang Boracay Water Company o (BIWC), Malay Water District o MWD, Local Water Utilities Administration o LWUA at representante ng Office of the Mayor.

No comments:

Post a Comment