Wednesday, December 14, 2016

Pagdadala ng bote ng alak, habang nagsa-sadsad sa Kalibo Ati-Atihan; ipinagbawal

Posted December 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for no to bottle 
Pinagkasunduan ngayon ng Sangguniang Bayan ng Kalibo sa pangunguna ng Committee on Tourism at ang mga negosyante, na ipagbabawal na ang pagdadala ng bote ng inumin habang nagsasadsad sa Kalibo Ati-atihan Festival.

Ayon kay SB Philip Kimpo Jr., hindi naman ipinagbabawal ang pag-inom sa kasagsagan ng festival, subalit paalala lang nito sa mga negosyante na huwag ipadala sa mga bibili ang babasaging bote at dapat lang aniyang inumin ito sa kanilang tindahan o ilagay sa plastic.

Nabatid kasi na noong nakaraang taon, base sa rekord ng Kalibo PNP, dahil umano sa kalasingan ay naghahasigisan na ang mga ito ng bote ng alak.

Samantala, siniguro naman ng mga negosyante na sila ay makikipagtulungan sa naturang ordinansa.

No comments:

Post a Comment