Monday, December 12, 2016

34-anyos na lalaki sa Boracay, arestado sa buy-bust operation

Posted December 12, 2016

Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Arestado ang isang 34-anyos na lalaki matapos itong mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation sa Sitio Lugutan, Brgy. Manocmanoc, Boracay.

Nakilala ang naarestong suspek na si Michael Capangpangan y delos Santos, ng Sitio Ambulong ng naturang Brgy.

Nabilhan ng dalawang sachet ng pinaghihinalaang droga kapalit ng P1, 000 na buy-bust money ang suspek ng pinagsamang puwersa ng Malay Municipal Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (MAIDSOTG) ng Malay PNP at Boracay PNP.

Sa ngayon ang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act of 2002.

No comments:

Post a Comment