Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay

Napag-alamang ito ay binawian ng buhay bandang alas- dos
ng madaling-araw dahil sa karamdaman na Pancreatic Cancer kung saan nasa stage
4 na umano ito.
Si Quimpo ay nagsilbing Alkalde sa Bayan ng Kalibo sa
loob ng siyam na taon at nahalal din bilang Congressman ng Aklan kung saan
natapos din ng huli ang kanyang tatlong termino.
Bago ang kanyang pagpanaw, nanunungkulan si Quimpo bilang
Presidente ng Northwestern Visayan Colleges o NVC sa bayan ng Kalibo.
Ikino-konsidera ring isang environmentalist si Quimpo
dahil sa adbokasiya nitong protektahan ang kapaligiran kung saan siya ang
chairman ng Kalibo Save the Mangrove Association (KASAMA).
Ikinalungkot naman ng mga Kalibonhon at mga Aklanon lalo
na ng mga malapit sa kanya ang malungkot na balita ngayong araw.
No comments:
Post a Comment