Friday, December 16, 2016

Drivers ng lahat ng pampasaherong traysikel sa Boracay, dapat isailalim sa seminar- SB Bautista

Posted December 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image may contain: one or more people and indoorDahil sa problema na kinakaharap ngayon ng mga residente sa mga driver/operators ng mga pampasaherong tricycle sa Boracay, nais ngayon ni Sangguniang Bayan Member Floribar Bautista sumailalim ang mga ito sa Seminar.

Bagamat dumaan sa seminar ang ilan sa kanila, hindi kumbinsido ang konsehal na dumaan sa tamang orientation ang mga ito kung pagbabasehan ang mga reklamo ng publiko at turista.

Iminungkahi rin ng huli na dapat magkaroon ng penalidad kung sinu ang lalabag na mga operators kung saan ayon kay Senior Land Transportation Officer Cesar Oczon na karamihan umano sa kanilang mga nadadakip ay niri-refer sa opisina ng BLTMPC para sa mas mataas na penalidad.

Sinagot naman ito ni BLTMPC Vice Chairman Prudencio Vargas, dapat umanong i-adopt na ng LGU ang mga polisiya sa pagbibigay ng penalidad.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Bautista na kailangan umanong kumuha ng seminar sa Tourism Office ang mga drivers para sa kanilang accreditation bago sila mabigyan ng certificate at endorsement ng BLTMPC para mamasada.

Dahil dito, dapat umanong magkaroon na ng time table ng sa gayon ay mabilis na maaksyunan itong problema sa transport system sa isla na isa ngayon sa agaw atensyon na problema ng mga residente.

No comments:

Post a Comment