Tuesday, December 20, 2016

May-ari ng residensyal at security guard sa boracay, kalaboso sa magkahiwalay na buy-bust operation

Posted December 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

No automatic alt text available.Hindi na nakapalag pa sa mga pulis ang may-ari ng residensyal at isang Security Guard matapos  itong mahuli sa magkahiwalay na drug buy-bust operation kaninang umaga.

Pasado alas 6:30 kanina ng umaga ng maaresto ang suspek na si Claude Gindrat y Maurice, 60-anyos isang Swiss National at may-ari ng Sampaguita Residence sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay.

Nahuli ang suspek sa naturang lugar sa isinagawang operasyon ng Malay PNP, Boracay PNP, Aklan PSC, Provincial Anti-Illegal Drugs and Special Operations Task Group (PAIDSOTG), 605TH Maritime Police, 12th Infantry Battalion-Tactical Interface Unit, MIG 6 at PDEA.

No automatic alt text available.Ang suspek ay sinasabing  ng tatlong sachet ng suspected shabu kapalit ng P 1,000 na buy-bust money mula sa isang poseur buyer.

Kaugnay nito, narecover din umano sa live-in partner ng suspek na si Maria Marylove Guzon y Villaflor, 26-anyos ng Marcia Negros Occidental ang isang plastic sachet ng suspected shabu na nakalagay sa kanyang wallet.

Iginiit naman ni Villaflor sa mga pulis na wala umanong katotohanan na merong nakuhang droga sa kanyang wallet.

Sa hiwalay namang operasyon, nahuli rin ang suspek na si Errol Elisan y Tasis 33-anyos, isang Security Guard, native ng San Jose Romblon at temporarayong nakatira sa Sitio Lugutan, Brgy. Manoc-manoc sa pinag-samang pwersa ng Malay PNP, Boracay PNP, 605TH Maritime Police, 12th Infantry Battalion-Tactical Interface Unit, MIG 6 at PDEA.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang sachet ng suspected shabu kapalit ng P 1,000 na marked money habang sa isinagawa pang body search ng kapulisan nakuhaan pa ito ng isa pang hinihinalang droga.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Section 11 Article II Republic Act 9165 o dangerous drugs act ang suspek.

No comments:

Post a Comment