Wednesday, December 14, 2016

Caticlan Jetty Port, handa na ngayong holiday season, seguridad hinigpitan

Posted December 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for jetty portNakalatag  ang preparasyon ng Caticlan Jetty Port sa mas pinaigting na seguridad sa inaasahang pagdagsa ng maraming pasahero at turista ngayong holiday season.

Sa pahayag ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang, nagpulong na umano sila ng transport team, Coast Guard at mga operator ng bangka kung ano ang mga hakbang na kanilang gagawin sa oras na dumami na ang mga turista na magpapasko at magbabagong taon sa isla.

Aniya,pinasiguro naman nito na maayos ang daloy ng mga gagamiting bangka hindi tulad umano noong nakaraang taon na marami silang natanggap na reklamo dahil kakulangan ng bangka at bagal na daloy ng byahe.

Kaugnay nito, inaayos na nila ang pag-operate ng mga tricycle, multicab at mga private vehicle dahil posible umanong limitahan ang pag-operate ng mga ito upang maiwasan ang trapiko sa daan.

Hihigpitan din ang pagbabantay ang Philippine Coastguard, Philippine National Police at iba pang ahensya na magpapatupad ng mahigpit na seguridad.

Pinaalalahanan din ni Maquirang ang lahat ng mga pasahero na makipagtulungan sa kanila at sundin ang mga ipinapatupad na protocol ng Jetty Port.


Samantala, inaasahan ang pagdagsa lalo na ng mga Korean at Chinese tourist sa huling quarter ng taon kung saan target ng DOT ang 1.7-Million tourist arrival para sa taong 2016.

No comments:

Post a Comment