Monday, December 12, 2016

Lalaking nakursunadahan, binaril sa Kalibo

Posted December 12, 2016

Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Nagpapagaling na sa ngayon sa Aklan Provincial Hospital ang isang fish vendor matapos na barilin sa tapat ng isang paaralan kagabi.

Ayon sa live- in partner ng biktima na kinilalang si April Gay Salonzo, nag-uusap di umano silang dalawa ng bigla na lamang dumating ang suspek na kinilalang si Mark Jojo Maayon Taligatos, 24- anyos, construction worker at residente ng Purok 6 C. Laserna St. at nagsabi ng “Kursunada mo ako meg ay”? na agad namang sinagot ng biktima ng “Uwa meg ah”.

Subalit sa hindi malamang dahilan, ay bigla na lamang umano siyang sinuntok ng suspek. At para makaiwas sa gulo, tumakbo papalayo ang biktima.

Ngunit hinabol umano ito ni Taligatos, na napag- alamang may dalang armas at dito na nga binaril ng suspek ang biktima kung saan nagtamo ito ng tama sa kanang dibdib.

Sa ngayon, patuloy na ang manhunt operation ng mga kapulisan para madakip ang nasabing suspek.

No comments:

Post a Comment