YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 13, 2016

Municipal Hotline sa Malay, hiniling na isulong

Posted September 13, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

“Municipal Hotline”

Ito ngayon ang nakikitang sagot ni SB Floribar Bautista para mapadali ang pag-kontak sa mga ahensya at grupo ng rescue operators sa isla ng Boracay.

Sa 11th Regular Session ng SB Malay, laman ng Privilege Speech ni SB Danilo Delo Santos  patungkol sa Sea Ambulance na ginagamit pantawid sa mga pasyente sa Caticlan na dinadala sa bayan Kalibo o Iloilo.

Aniya, may natanggap umano kasi siyang reklamo na merong pasyenteng itatawid sana pasado alas 12 ng hating-gabi subali’t wala umanong pump boat na magamit sa pag-transfer sa mainland.

Dahil dito, sinagot naman ito ni SB Jupiter Gallenero na ang mga pwede raw tawagan para hingan ng tulong ay ang Boracay Action Group (BAG) na kinabibilangan ng mga responders ng BFRAV, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at General Command Post ng Boracay.

Sa kabila nito, suhestyon at nais ni Bautista na magkaroon ang Munsipyo ng Malay lalong-lalo ang isla ng Boracay ng Hotline o numerong tatawagan ng mga residente alinsunod narin sa ipinapatupad ng Duterte Administration kung saan meron silang numerong tatawagan para sa panahon ng emerhensya at sa mga may iri-reklamo.

Kaya naman sa susunod na SB session ng Malay nais nilang imbitahan ang Boracay Action Group (BAG) o BFRAV, MDRRMO, General Command Post kasama na ang Red Cross upang mas mapadali at malaman ng tao kung sino ang unang tatawagin sa oras na kailangan ang kanilang serbisyo.

Balak din ng pag-uusap na masiguro ang protocol ng responde at kung sino ang dapat tawagan para sa kapakanan ng mga mahihirap na residente na walang kakayahang magbayad ng ambulansya at pamasahe sa sea transfer.

No comments:

Post a Comment