Friday, September 16, 2016

Bayan ng Malay kumpiyansa na muling makikilala sa SGLG

Posted September 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Image result for SGLG DILGKamakailan lang ay sumailalim ang bayan ng Malay sa Validation ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 6.

Ito ay para na naman sa Seal of Good Local Governance (SGLG) 2016 na ibinibigay na parangal ng DILG sa mga bayan na may magandang performance sa Region 6.

Ayon kay MGLOO Mark Delos Reyes, kumpiyansa sila na muling makakahuha ng parangal sa SGLG dahil na rin sa kanilang magandang performance.

Samantala, pito lang mula sa 17 bayan sa Aklan ang napiling sumailalim sa validation kasama na dito ang Provincial Government kung saan may tiyansa ang mga ito na mabigyan ng SGLG award.

Nabatid na naging awardee rin ang bayan ng Malay noong nakaraang taon ng kaparehong parangal kung saan ang nakuhang cash na P3 Milyon pesos ay ipinatayo naman ng Navigational Light House sa Brgy. Sambiray para sa mga mandaragat.

No comments:

Post a Comment