Thursday, September 15, 2016

Korean tourist nangunguna parin sa top tourist visitors sa Boracay

Posted September 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Korean tourist sa boracay
Korean tourist parin ang siyang nangungunang tourist arrival sa isla ng Boracay ngayong taon simula nitong Enero hanggang nitong Agosto 2016.

Base sa tala ng Municipal Tourism Office ng Malay umabot sa 223, 460 ang mga bumisitang Koryano sa Boracay sa nasabing taon.

Sumunod naman dito ang Chinese national na umabot sa 209, 113 at pumapangatlo naman dito ang Taiwanese tourist na may 41, 908.

Nabatid na ang pangunguna ng Korean tourist sa Boracay taon ay dahil sa malakas na market ng isla sa kanilang bansa kasama na dito ang direct flights ng mga eroplano.

No comments:

Post a Comment