Thursday, September 15, 2016

Excel Awards, pinaghahandaan ng DILG Malay

Posted September 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for DILGTarget ngayon ng Local Government Unit ng Malay sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG) na muling makamit ang Excel Awards of Excellence in Local Governance 2016.

Sa panayam kay MGLOO Mark Delos Reyes, naghahanda na umano sila ngayon para sa inaasahang pagbisita sa kanila ng DILG Region 6 para sa tinatawag na validation.

Ayon kay Delos Reyes, ito umano ay taunang ginanawa ng DILG 6 upang kilalanin ang mga LGU na maayos na namamalakad at ang ginagawang serbisyo sa kanilang nasasakupan.  

Nabatid na bago makuha ang naturang parangal ay kailangan munang maipasa ang Accomplishment Administrative Government na kinabibilangan ng Social, Economic at Environmental Government na layong mag-promote ng accountability, transparency at inclusivity.

Samantala, isang meeting ang ipapatawag ni Delos Reyes na kinabibilangan ng lahat ng Department Heads ng LGU Malay kasama si Mayor Cawaling para paghandaan ang nasabing Excel Awards.

Matatandaan na ang bayan ng Malay ang siyang naging 3rd placer noong nakaraang taon sa 1st at 3rd class municipality sa buong Region 6 sa kaparehong parangal.

No comments:

Post a Comment