Thursday, September 15, 2016

Lalaki, kulong sa aktong pagsasamantala sa lasing na turista na hubot-hubad

Posted September 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for blotter reportRehas nalang ngayon ang hinihimas ng isang lalaki matapos itong makulong dahil sa aktong pagsasamantala sa isang hubot-hubad na turistang babaeng lasing sa isang hotel sa Balabag, Boracay kaninang madaling araw. 

Sa report ng Boracay PNP, kinilala ang nagrereklamong lalaki na si Zhen Hong Chong, 28-anyos at isang Malaysian National.

Reklamo nito sa mga pulis, papasok na umano siya sa kanilang kwarto ng makita nitong walang damit ang kanyang kaibigang babae na si Kian Yew Sia na nakahiga at nasa ilalim ng  nakakalasing na inumin katabi ang hindi nakilalang lalaking suspek na wala na ring damit pang-itaas.

Dahil sa gulat ay napasigaw umano ang biktima at pinatitigil ang suspek sa ano pang posibleng gawin nito sa nakahubad na kaibigan.

Subal’it nagalit umano sa kanya ang suspek at pinatatahimik siya nito dahilan para magkaroon sila ng kaunting kumusyon na nauwi rin sa sakitan.

Sa kalaunan agad namang naaresto ng mga pulis sa lugar ang suspek kung saan pansamantala muna itong ikinustudiya sa Boracay PNP station.

No comments:

Post a Comment