Monday, September 12, 2016

Aklan, muling maglulundad ng “Green Expo 2016” sa Iloilo

Posted September 12, 2016
Ni Jay-a M. Arante, YES FM Boracay

Image result for dti aklanNgayong Setyembre 26 hanggang October 2 ay muling bibida ang “Aklan Green Expo 2016”ng Department of Trade and Industry (DTI) sa probinsya ng Iloilo.

Ayon kay DTI -Aklan OIC Provincial Director Ma. Carmen Iturralde, tema umano ngayong taon ay ang “Green Fashion, Green Lifestyle, Green Business.”

Ibibida umano ng probinsya ang kakaiba at dikalidad na produkto sa Iloilo City na kinabibilangan ng quality wearables, homestyle items, processed meat at bakery products na gaganapin sa Event Center, Lower Ground ng SM City, Iloilo City.

Kaugnay nito (30) Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs) mula sa Aklan ang sasali sa  product expo, na magpapakita ng kanilang magagandang produkto.

Ang taunang product expo ay inoorganisa ng DTI-Aklan at ng Hugod Aklanon Producers Association, Inc., sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Aklan.

No comments:

Post a Comment