YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, September 14, 2016

LTO satellite office sa bayan ng Malay isinusulong

Posted September 14, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for LTO
Isang satellite office ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang isinusulong sa kongreso na itayo sa bayan ng Malay sa Aklan.

Ito ang layong maisakatuparan ni Aklan Congressman Carlito Marquez matapos na itong ma i-file sa 17th Congress.

Base sa ilalim ng House Bill 3011 ni Marquez, ito ay para umano mabawasan ang bigat ng trabaho ng  LTO office sa Kalibo at para mabigyan ng maayos at mabilis na serbisyo ang mga kliyente sa bayan ng Malay at mga kalapit na munisipalidad nito.

Nabatid na kung maaaproba ito ng Senado at ng House of Representatives, ay mapapadali na ang aplikasyon at renewal ng driver’s license sa sandaling maitayo na ang nasabing satellite office sa naturang bayan.

Samantala, ang satellite office ay maaari ring magsilbi sa mga kliyente mula sa mga kalapit na bayan ng Pandan, Sebaste, Culasi at Libertad sa probinsya ng Antique.

No comments:

Post a Comment