Tuesday, September 13, 2016

Kalibo Airport, may free Wifi na!

Posted September 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for free WifiIsa ngayon ang Kalibo International Airport na merong free wireless internet access (Wi-Fi).

Ito ang kumpirmasyon mula sa CAAP Kalibo matapos ang ginawang paglunsad nitong nakaraang linggo ng free wifi sa naturang paliparan.

Maliban dito kasama sa mga nabigyan nito ang Iloilo Airport, Bacolod-Silay International Airport at Roxas City Airport.

Ang free Wi-Fi program, ay suportado ng Department of Transportation and Communications (DOTC), sa pakikipagtulungan sa isang malaking telecommunications company sa bansa.

Sa kabilang banda nagpahayag naman si Efren Nagrama, CAAP Regional Chief na susunod na mabibigyan dito ang Godofredo Ramos Airport sa Caticlan, Malay, Aklan.

Samanatala, maaari na umano itong gamitin ng mga turista at iba pang airline passengers para ng sa ganon ay ma-entertain sila habang nag-aantay ng kanilang flights.

No comments:

Post a Comment