Posted September 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinatayang nasa 30 closed-circuit television (CCTV)
camera ngayon ang ikinabit sa buong Caticlan jetty port para sa pagpapaigting ng
seguridad.
Ayon kay Port Administrator Niven Maquirang, ito umano ay
para matutukan pa lalo ang kaligtasan ng mga pasahero na dumaraan sa nasabing
pantalan.
Layun din umano nito na ma-monitor ang posibleng krimen
na mangyari sa Jetty port kung saan ginawa umano ito base sa deklarasyon ni President
Rodrigo Duterte ng state of national emergency kaugnay sa lawless violence matapos
ang Davao City bombing nito lamang Setyembre.
Samantala, maliban umano sa mga CCTV ay lalo ngayong
naghigpit ang kanilang pantalan kung saan ang mga nakabantay na security guard,
police, Philippine Coast Guard sa lugar ay nadagdagan pa ng pwersa ng grupo ng
Philippine Army.
No comments:
Post a Comment