Friday, September 16, 2016

Lalaki, nagreklamo matapos pagtulungang nakawin ang kanyang motorsiko

Posted September 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterPinag-hahanap na ngayon ng Boracay PNP ang pagkakakilanlan ng mga suspek na kumuha ng motorsiklo ng isang lalaki sa Sitio Tulubhan, Baranggay Manoc-manoc, Boracay.

Ayon sa report ng biktima na si Muhammad Ryyan Apal, 27-anyos sa mga pulis, kahapon umano ng umaga sakay siya ng kanyang motorsiklo galing sa isang basketball sa lugar ng makita nito si certain “JAN-JAN” at walang kadahi-dahilan ay sinuntok siya sa kanyang mukha na naging dahilan naman ng pagbagsak nito mula sa motorsiklo.

Maliban dito, pinagtulungan pa umano siyang pagsusuntukin ng mga hindi nakilalang lalaki habang mabilis na tinangay ng mga ito ang kanyang motorsiklo.

Pahayag pa ng biktima sa mga pulis nasa loob umano ng U-box ng motor ang kanyang wallet at mga importanteng dokumento ng kanyang motorsiklo.

Sa ngayon, ay nakatakdang imbestigahan ng Boracay PNP ang insidente.

No comments:

Post a Comment